Masmalalaking suliranin gaya ng pagkasira ng ating marine resources at kontaminasyon ng pinagkukunan ng inuming tubig ang ating kahaharapin kung ang polusyon ng ating waterways at bodies of water ay mas lalong lalala,” ani Sen. Cynthia A. Villar. Sinabi ng senador, chairman ng Senate environment committee, sa European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) Waste Management Forum na layunin niyang amiyendahan ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang higit na matugunan ang pangangailangan ng kasalukuyang panahon. Iginiit niya na kung masusunod lamang ang mga probisyon ng batas, hindi tayo magkakaroon ng suliranin sa kapaligiran o ecological problems at challenges o mas magiging madali ang ating mga kinakaharap na suliranin.
CESAR MORALES
This article was originally published in Remate Online on May 2,2018: http://www.remate.ph/2018/05/building-the-road-to-zero-waste/